947
Bolick, Parks, Kiefer, iba pa binati ang Raptors
By ,

Bolick, Parks, Kiefer, iba pa binati ang Raptors

Matapos gumawa ng kasaysayan ang Toronto Raptors nang padapain ang Golden State Warriors 114-110 sa Game 6 para tanghaling kampeon Huwebes ng gabi (Biyernes sa Pilipinas), iba’t ibang reaksyon mula sa ilang PBA players at coaches ang naglutangan sa Twitterverse.

Tweet ni NorthPort rookie Robert Bolick (@BabesBolick): “RAPTORS!!!! #CHAMPS.” Pabiro namang tweet ni Rain or Shine forward Gabe Norwood (@GNorwood9): Jeremy Lin got a ring…Linsanity lives on.”

Nakisaya naman si Blackwater Elite star Ray Parks, Jr. sa pagkapanalo ng Raptors sabay post ng video na may caption na “Wild them boys up north!!!” habang si San Miguel Beerman Chris Ross (@cmross6) naman ay irespeto ang binigay sa dalawang tropa.

Si NLEX Road Warriors Kiefee Ravena naman ay binati ang Warriors na lumaban hanggang dulo kahit na kinapos na ito; “Tough stretch for the warriors. 2 major injuries in a series. But hats off to the Warriors for fighting it out the whole series. For the first time, they were considered underdogs.”

Binati rin ni Go for Gold coach at College of Saint Benilde assistant coach Charles Tiu (@charlestiu) ang Raptors; “Congratulations to the Raptors! Not a lot of people saw this happening even with their mid season trade! Amazing run! Congrats Canada.”

Sinabi ni Alaska Aces assistant coach Jett Cariaso (@thejet_22) na ang depensa ang isa sa mga susi para makuha ang kampeonato; “Yet another proof that defense wins championships. #respect.” (

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?