21

Sep 26, 2020 @ 0:51
By

Bolick out sa PBA bubble

Hindi muna makikita sa bakuran ng NorthPort Batang Pier si Robert Bolick sa PBA bubble.

Ito’y matapos na ianunsyo ng koponan na ayaw nilang isugal na kaagad paglaruin si Bolick matapos itong dumanas ng ACL injury.

Lahad ng NorthPort, kinausap nila ang kanilang star player at sinabing naiintindihan naman nito ang sitwasyon at inabisuhan ng orthopedic na magpatuloy lang sa pagpapalakas ang 25-anyos.

Dahilan ng koponan, kulang pa sa scrimmage si Bolick kahit pa nakapag-ensayo na ito sa NorthPort.

“Ayaw din naman namin siya na biglain,” saad ni NorthPort team manager Bonnie Tan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?