53

Jan 5, 2022 @ 23:53
By

Bolick namamayagpag sa assist

Bukod sa scoring para sa NorthPort, malaki rin ang naiaambag ni team stalwart Robert Bolick sa assists ng Batang Pier.

Batay sa talaan, kasalukuyang leader sa feed ng 46th Philippine Basketball Association Governors’ Cup ang 26-year-old, 6-foot-1 combo guard sa average na 9.3 per game.

Pumapangalawa si Alex Cabagnot ng Terrafirma na may 7.5 average, sunod si Jio Jalalon ng Magnolia na mayroong 7.3 kada laro, pang-apat si Matthew Wright ng Phoenix sa 6.6 apg, at panglima si Nards Pinto ng Meralco na may 5.5 ast. per game.

Kasalukuyang nahinto ang Govs’ Cup makaraang mailagay sa Alert Level 3 ang Metro Manila. (Janiel Abby Toralba)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?