1,027

By

Bolick nagyabang kay Thompson

Sharing is caring!

PINATUNAYAN ni San Beda ace player Robert Bolick na hindi lang siya isang scoring machine. Kaya niya ring makipagsabayan pagdating sa pag-rebound.

Tumapos ng 11 rebounds si Bolick sa laban nila kontra Letran noong Biyernes ng gabi at naging inspirasyon niya si Ginebra player Scottie Thompson.

Isa si Bolick sa mga libo-libong napahanga sa naging rebounding performance ni Thompson noong finals series ng Ginebra kontra sa San Miguel.

“Bago kami nag-game, nung Thursday marami akong offensive rebound eh, sabi ko re-rebound ako ng Friday. Sakto ‘di ba? Kung kaya ni Scottie (Thompson) kaya ko rin. Scottie kita mo mga rebound ko?” ani Bolick.

Sinabi din nitong tinutulungan niya lang ang kanyang tropa sa pamamgitan ng pagre-rebound lalo na’t wala aniyang import ang Letran at lagi dino-double si Donald Tanouka sa boxout kapag may tumitira.

Kaya ito na aniya ang pagkakataon niya dahil sa mga scouting report ay hindi siya madalas mag-rebound at maganda naman aniya ang kinalabasan.

“Siguro chance ko na din kasi scouting report nila hindi ako rume-rebound eh sa ibang games eh. Tinry ko lang, medyo maganda naman, so tutuloy ko,” dagdag nito. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?