330
Bolick nagulat sa Gilas call-up
By

Bolick nagulat sa Gilas call-up

23-anyos pa lamang si Robert Bolick, unang season sa PBA ay may pagkakataon agad na marepresenta ang Pilipinas sa Fiba World Cup.

Naging blessing in disguise para sa dating San Beda star ang pagliban ni Jayson Castro at Bobby Ray Parks Jr sa national team duties, tinapik ng Gilas para makasama sa pool at magsisimula na ng ensayo sa Luners.

“Bahala na kung ano mangyari,” ayon sa tubong Ormoc, Leyte. “But just the thought na na-invite ako, masarap talaga sa feeling.”

Ngayong Commissioner’s Cup, arangkada ang mga numero ni Bolick, isa na ngayon sa mga lider pagdating sa scoring lalo’t na-trade si Stanley Pringle sa Ginebra. Nag-aaverage ngayon ang NorthPort guard ng 17.29 points, 5.43 rebounds at 4.43 assists sa pitong laro.

Maganda man ang nilalaro, nagulat pa rin si Bolick sa pagkakasama ng pangalan sa Gilas pool.

“Yung this early in my career? Talagang hindi ko ine-expect na makakasama ako,” aniya pa.

Bukod sa kanya, sama na rin sa pool ang nasuspendeng si Kiefer Ravena matapos pagsilbihan ang 18-month suspension dahil sa banned substance.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?