225

Sep 26, 2019 @ 17:23
By

Bolick inis sa ‘di pagsama sa SEA Games lineup?

Trending ang naging tweet ni Robert Bolick ilang minuto matapos ianunsyo ang 15-man lineup para sa 30th Southeast Asian Games (SEAG).

Hindi lumusot ang pangalan ni Bolick sa lineup, ngunit kasama naman sa 3×3 lineup para sa regional meet.

Sa tweet ni Bolick, sinabi nito na papatunayan niya umano na nagkamali ang isang tao, na hindi naman pinangalanan kung sino.

“I want to make sure you made a mistake. #ChallengeAccepted,” ayon kay NorthPort guard.

Tingin ng mga netizen, ito ay tungkol sa hindi niya pagsama sa Gilas lineup kahit pa naging maganda ang performance nito sa 2019 Fiba World Cup.


Sa sunod na tweet, nilinaw ni Bolick na tungkol umano ito sa DOTA tournament, isang online game, at hindi para sa Gilas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?