85

Jul 25, 2022 @ 14:19
By

Bolick finlex ang esmi

Dahil maagang nagbakasyon sa PBA Philippine Cup ang Northport Batang Pier, mas maraming oras sa kanyang pamilya si Robert Bolick.

Sa kanyang FB post, nilambing muna ng Northport guard ang asawang si Cassandra.

“The best moment in life aren’t even planned. Here’s to good wine and you. I love you my wife,” saad sa caption.

Batay sa post ni Bolick, nagdinner date sila ng asawa niya sa Pool House sa Grand Hyatt Manila.

Ikinasal sila noong Marso ngunit isinapubliko lamang nila ang pagiisang-dibdib noong Mayo, na sinalubong ng mga negatibong reaksyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?