172

By

Bolick, Canlas trumabaho, Beda rumesbak sa Lyceum

Sharing is caring!

Standings W L

*SBU 16 1

*LPU 15 3

*CSJL 13 4

*UPHSD 11 6

CSB 9 8

MU 6 12

AU 5 12

SSC-R 5 12

EAC 4 14

JRU 3 15

*semifinalist

Mga Laro sa Martes:

(FilOil Flying V Center)

12:00 nn. – San Sebastian vs Arellano U

2:00 p.m. – San Beda U vs Perpetual Help

4:00 p.m. – Letran vs Saint Benilde

Nilapa ng San Beda University Red Lions ang Lyceum of the Philippines University (LPU) Pirates, 75-68, Huwebes sa FilOil Flying V Centre upang patatagin ang kapit sa No. 1 spot sa NCAA Season 94 men’s basketball tournament.

Tuluyan nang sinelyuhan ng San Beda ang unang puwesto bitbit ang 16-1 baraha habang ito naman ang ikatlong talo ng Pirates sa 18 laro matapos ang double round elimination.

Binawian ng Red Lions ang Pirates sa kanilang second round meeting dahil noong unang round ay nanaig mga Pirata mula sa Intramuros, 73-66.

“We’re happy we got this one, we take off the monkey out of our box right now. Everybody has been saying that we cannot beat LPU and it’s really a good challenge and we would like to thank those other guys that says we cannot beat LPU,” wika ni San Beda coach Boyet Fernandez.

“Kasi ang daming nagsasabi hindi kami mananalo, so naging barometer namin ‘yung saying na ‘yun. I’m happy the guys stepped-up today.”

Nanguna para sa San Beda si Robert Bolick na may 18 puntos, limang rebounds katuwang ang rookie na si James Canlas na may 18 puntos at anim na rebounds.

“Kahit sino naman kalaban namin hindi kami nag-iiba ng mindset, kasi sino pa ang kalaban namin, same approach. This one is special one kasi natalo kami sa first round, we came up and everybody stepped-up,” sabi ni Bolick.

Simula pa lang ng laro ay umarangkada na nang husto ang tropa mula Mendiola hanggang sa pagpasok ng fourth canto ay tangan nito ang 13 puntos na kalamangan.

Pero hindi naman hinayaan ng mga Pirata na tuluyan silang malugmok at mapahiya sa harap ng kanilang tagahanga kaya umarakangda ito at ginawa ang lahat para maibaba walo ang kalamangan, 69-61.

Naging tinik din para sa Pirates ang magandang depensa na pinakita ng San Beda at naging maalat din ang kanilang freethrow na 4-out-of-19 o 21 percent lang naging sucess rate nito.

Itong laro din ang isa pinakapangit na laro ni reigning MVP CJ Perez na tumapos lamang ng siyam na puntos at anim na rebounds habang nanguna naman sa tropa si Mike Nzeusseu na may 16 puntos, anim na rebounds at isang assist.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?