53

Feb 24, 2020 @ 19:09
By

Bolahan ng jueteng sa Cavite sinalakay, 17 timbog

Aabot sa 17 katao ang naaresto ng pulisya matapos ang isinagawang raid ng dalawang bolahan ng jueteng, Huwebes ng hapon sa lalawigan ng Cavite.

Base sa ulat na nakuha kanina, Pebrero 24, 2020, nagsagawa ng “Project Oplan Bulilyo,” isang flagship project ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kontra jueteng at nag-operate ang mga tauhan ng Anti-Organized Crime Unit ng (AOCU-CIDG), dakong alas-4:00 ng hapon ng nakaraang Huwebes sa isang bolahan ng jueteng sa Barangay Crossing Mendez sa Tagaytay City.

Sa nabatid na raid ay nadakip nila ang sampu katao na nakilalang sina Rolando Gutierrez, 48, coordinator ng nasbaing iligal na pasugalan, gayundin ang mga personnel at empleyadong sina Maurri Angeles, 52, Jefferson Espino, 27, Willy Lopez, 38, Johna Batino, 60, Josephine Malabanan, 56, Herson Acebuche, 31, Crystalene Macairan, 34, Catherine Javier, 39, at Ramon Baquiran, 40.

Kasunod na sinalakay ng mga tauhan ng AOCU-CIDG ang bolahan ng jueteng sa Barangay Luksuin Ligaya sa Alfonso, Cavite kung saan pitong suspek ang nadakip habang nasa aktong bumobola ng labas ng jueteng.

Kinilala ang mga suspek na sina Brando Endriga, 39, Eduardo Tampis, 53, Jovit Escasa, 26, Lester San Jose, 27, Czeder Empleo, 24, Ronel camunas, 32, at Nicanor Rosano, 48-anyos.

Nakumpiska sa dalawang magkasunod na raid ang hindi nabatid na halaga ng pera, at mga jueteng paraphernalia.

Sa ngayon ay nakakulong ang mga suspek sa CIDG detention cell habang sinampahan na ng kaukulang kaso ang mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?