51

By

BOL plebiscite sa Feb. 6 tuloy – Comelec

Hindi umano ipagpapaliban ang nakatakdang plebisito sa Pebrero 6 ng Bangsamoro Organic law (BOL) sa kabila ng naganap na pambobomba sa Jolo, Sulu na nag-iwan ng 20 kataong patay at daan pang sugatan.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez, hindi pa umano napapag-usapan ang kanselasyon ng ikalawang BOL plebiscite at hindi pa alam kung ikinokonsidera ito dahil sa nangyari.

Ang ikalawang plebisito umano ay magpapasok sa Lanao del Norte at sa anim pang munisipalidad ng North Cotabato sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao.

Hindi rin umano maaapektuhan ng nangyaring pagsabog sa Marian Cathedral of Our Lady of Mount Carmel sa resulta ng BOL.

Sa unang bugso ng BOL poll na ginanap noong Enero 21 sa Autonomous Region in Muslim Mindanao; Isabela City, Basilan; at Cotabato City ay nanaig ang “yes” votes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?