167

Jul 30, 2018 @ 21:06
By

BOL lalagdaan ni Duterte sa Agosto 6

Nakatakdang pangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ceremonial signing ng Bangsamoro Organic Law sa August 6.

Ayon kay Special Assistant to the President Bong Go, gagawin ang ceremonial signing sa Malacañang bago tumulak patungong Mecca ang ilang opisyal ng Bangsamoro Transition Commission (BTC).

Nakatakdang dumalo sa isang pilgrimage si Moro Islamic Liberation Front (MILF) Vice-Chairman for Political Affairs Ghadzali Jaafar.

Pinirmahan ni Pangulong Duterte ang BOL noong July 26 taliwas sa naunang plano na gagawin sana ito sa mismong araw ng kanyang ikatlong state of the nation address (sona) dahil na rin sa agawan ng liderato ng kamara.

Matagal nabinbin sa kongreso ang BOL na dating Bangsamoro Basic Law noong panahon ng Aquino administration.

Layon ng BOL na matuldukan ang conflict sa Mindanao sa pamamagitan ng pagtatatag ng bagong political entity kapalit ng Autonomous Region in Muslim.Mindanao o ARMM.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?