29

Sep 22, 2020 @ 17:04
By

Bokya na sa PBA player, delikado pa sa import! Gilas dehado sa Fiba bubble

Malaking pagsubok ang kailangang lampasan ng Gilas Pilipinas para sa susunod na window ng 2021 Fiba Asia Cup qualifiers.

Ito’y dahil hanggang ngayon ay mukhang wala pa ring masasalang na naturalized player ang koponan matapos tapyasin si Andray Blatche sa PH national team.

Ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas program director na si Tab Baldwin, pending o hanggang ngayon ay naghihintay pa rin sila sa development para sa susunod na naturalized player ng Gilas.

Sa ngayon ay dalawang manlalaro pa lang ang nasa ilalim ng naturalization process, ito ay sina Ginebra resident import Justin Brownlee at Ateneo foreign player Ange Kouame, na hindi pa batid kung makakaabot ba ang proseso ng mga ito sa Nobyembre, kung kailan gaganapin ang second window ng Fiba tournament.

Bukod pa sa problema sa naturalized player, isa ding kailangang lampasan ng Gilas ay ang pagsalang ng all-cadet sa laban kontra South Korea at Thailand, dahil sasagasa ang timeline ng FIBA sa pag-resume ng PBA na magsisimula sa Oktubre at inaasahang tumagal ng dalawang buwan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?