16
boksingero
Aug 23, 2018 @ 18:31
By

Boksingero, MMA fighters bibigyan ng libreng serbisyong medikal

Para maisulong ang kalusugan ng mga professional na boksingero at mga mixed martial arts (MMA) fighter, lumagda sa isang kasunduan ang Department of Health (DOH) sa Games and Amusement Board (GAB).

Sa ilalim ng Memorandum of Agreement, pagkakalooban ang mga boksingero at mixed martial artists ng libreng diagnostic, medical at neurological services.

Ang DOH ang magbibigay ng libreng medical examination, eye examination, neurological examination at nuerophysiological examination kasama na ang mga diagnostic examination gaya ng CT scan at MRI.

Kasama sa mga ospital na makakatuwang ng DOH ay ang Batangas Medical Center, Western Visayas Medical Center, Southern Philippines Medical Center at Philippine Heart Center.

“Today, as we sign the continuation of the foregoing agreement with Games and Amusement Board, it is encouraging to note that we were able to execute this MOA successfully through the support of our hospitals. Furthermore, we affirm the DOH’s ongoing support to all our professional Filipino boxers and mixed martial artists who always strive to bring pride and honor for our country,” saad ni DOH Secretary Francisco Duque III.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?