43

By

Boksing sa kulungan, bubuhayin ni Bato

Sharing is caring!

Gustong dalhin sa mga bilangguan ni Bureau of Corrections (BuCor) chief Ronald “Bato” dela Rosa ang sport na boxing.

Ani Dela Rosa, hindi lang ito bahagi ng physical education program ng ahensiya pero gusto rin nilang maghatid ng kasiyahan sa mga preso.

“I-revive ko rin ‘yan,” ani Dela Rosa, na naranasan ding magboksing noong nasa high school at college pa siya.

“Actually that’s part of the BuCor’s sports and recreation program. Pwede ‘yun,” dagdag pa niya.

Sabi pa ni Dela Rosa, mas maganda umanong tignan na nagbabakbakan ang magkakalabang gang sa loob ng piitan na may suot na gloves kaysa makita umano ang mga itong naglalaban hawak ang mga nakamamatay na armas.

Sa bansang Thailand popular ang prison boxing kung saan isinasabak ang mga inmate sa torneo na bahagi ng rehabilitation program. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?