380

By

Bokalista ng 5SOS, trip mag-jeep

‘Wag magulat kung makasabay sa pagko-commute ang lead vocalist ng sikat na bandang 5 Seconds of Summer na si Luke Hemmings.

Sa Twitter, pinakita ni Hemmings na kasalukuyan siyang nasa’ Pinas para sa concert ng kanilang banda.

Ngunit kakaiba ang trip ng singer, sumakay ng pampasaherong jeep na may biyaheng Quiapo.

“Good to be back in the Philippines, today I rode in a JEEPNEY and that is all that matters,” ayon kay Hemmings.

Ilan sa mga pinasikat na kanta ng 5SoS ay ‘She Look’s So Perfect’, ‘Don’t Stop’ at ‘Good Girls’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?