49

Dec 12, 2017 @ 17:06
By

BOI itinanggi ang Christmas gift solicitation

Itinanggi ng Philippine Board of Investments (BOI) ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi sila nanghihingi ng Christmas gifts mula sa kanilang mga kliyente.

Nagpalabas ng pahayag ang BOI bunsod ng pagkakatanggap ng impormasyon na ilang indibiduwal at grupo na ginagamit ang pangalan ng ahensiya para makahingi ng regalo at gayundin para sa raffle items na ipamamahagi sa Christmas party.

Bunga nito, hinihikayat ng ahensiya ang mga nakakatanggap ng solicitation letter na agad na isumbong sa kanila ang panghihingi ng regalo ngayong Pasko ng mga nagpapakilalang kanilang kawani.

Nangako ang BOI na agad aaksiyonan at iimbestigahan ang mga impormasyon sabay giit na ipinagbabawal sa lahat ng mga kawani na manghingi ng regalo o pabor lalo na sa mga may transaksyon sa kanilang tanggapan. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?