3

Aug 9, 2020 @ 14:47
By

Bohol town pinasok na ng COVID

Naitala na ang pinakaunang kaso ng novel coronavirus sa bayan ng Dauis sa Bohol.

Sinabi ni Dauis Mayor Marietta Tocmo-Sumaylo online na ang pasyente ay nakatira sa Barangay Totolan at kasalukuyang nasa Governor Celestino Gallares Memorial Hospital sa Tagbilaran City.

Samantala, inanunsiyo naman ni Bohol Gov. Arthur Yap na isa pang locally stranded individual mula sa bayan ng Tubigon ang tinamaan ng COVID-19.

Agad itong in-isolate sa quarantine facility ng bayan.

Sa ngayon, may 106 kaso ng virus na sa Bohol, kabilang ang limang namatay at 74 gumaling.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?