12

Sep 28, 2020 @ 14:21
By

Bohol posible na ring magbukas sa Oktubre

Unti-unti nang bubuksan ang mga tourist spot sa bansa, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Aniya, matapos ang pagbubukas ng Baguio City at Boracay Island sa Oktubre 1 ay posible na ring sumunod ang Bohol, lalawigan kung saan masisilayan ang kilala sa mundo na Chocolate Hills.

“I understand Bohol might be opening soon within the month of October if I’m not mistaken,” wika ni Roque.

“Unti-unti naman pong nagbubukas ang ating mga tourist spots,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?