18

By

‘Bohemian Rhapsody’ most-streamed song sa buong mundo

Inanunsiyo ng Universal Music Group (UMG) na ang kantang “Bohemian Rhapsody” ng British rock band na Queen ang kinokonsiderang “pinaka-pinakikinggan” mula pa 20th century.

Inilabas noon pang 1975 ang naturang epic song ng Queen pero patuloy itong nananatili sa larangan ng musika.

Nakahamig ito ng 1.6 bilyong streams sa buong mundo, sapat para tanghalin itong “most-streamed classic rock song of all time.”

Sinundan ito ng “Smells Like Teen Spirit” ng Nirvana na ni-release taong 1991 na may 1.5 billion plays.

“‘Bohemian Rhapsody’ is one (of) the greatest songs by one of the greatest bands in history. We are so proud to represent Queen and are thrilled to see the song still inspiring new fans around the world more than four decades after its release. My congratulations to Queen and Jim Beach on an incredible achievement that is a testament to the enduring brilliance of Queen,” ani UMG Chairman and CEO Lucian Grainge.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?