39

By

Bogus na kamag-anak ni Duterte, natimbog

Sharing is caring!

Naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang lalaking nagpakilalang kamag-anak ni Pangulong Rodrigo Duterte at sinasabing founder ng People’s Congress para mangikil.

Kinilala ang naarestong suspek na si Jose Matias alyas Jose Roa Matias II, 57-anyos.

Ayon kay PNP-CIDG Chief Police Director Rouel Obusan, nadakip ang suspek sa isinagawang entrapment operation sa Deva Cruz Resort sa Sta Felomina, San Pablo City, Laguna nitong nakalipas na ika-8 ng Marso.

Una nang inireklamo ng isang Ronaldo Gatdula ang suspek na nagpakilalang abogado at founder umano ng People’s Congress.

Ni-recruit umano siya ni Matias noong May 2017 sa pangako na magiging Barangay Captain sa Barangay Panginay Balagtas, Bulacan sa pamamagitan ng endorsement mula sa Office of Special Assistant to the President (OSAP).

Inimbitahan pa nga umano siya na dumalo ng People’s Congress meeting sa Pampanga at dito na siya hiningan ng suspek ng P75,000 upang masigurado umano ang kanyang appointment.

Muling humingi ang suspek ng karagdagang P5000 para raw sa pag-endorso sa OSAP ng kanyang appointment.

Iniutos ng suspek na dalhin ang pera sa resort kung saan siya naaresto.

Sa entrapment operation, nakuha sa suspek ang ilang resibo ng Equipment and Mission Order ng Philippine Army (PA), mga identification card at LTO drivers license.

Nahaharap ang suspek sa mga kasong Swindling/Estafa, Usurpation of Authority at Alarm and scandal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?