221

Jun 27, 2019 @ 16:57
By

Bogum tinangging dahilan ng hiwalayan nina Joong Ki, Hye Kyo

Idinenay ng South Korean actor na si Park Bogum na rason siya ng hiwalayan nina Song Joong Ki at Song Hye Kyo.

Ayon sa statement ng agency ni Bogum, fake news ang mga kumakalat na report na sangkot siya sa hiwalayan, na pinag-usapan dahil nakasama nito si Hye Kyo sa K-Drama na ‘Boyfriend’.

“Park Bo-gum, who recently starred in the drama with Song Hye-kyo, is unexpectedly mentioned in the rumor. It is offensive that Park’s name is mentioned in the divorce.

“The agency will take strong action against groundless rumors regarding Park. Rumors about Park Bo-gum and Song Hye-kyo are absolutely not true,” ayon sa agency na Blossom Entertainment.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?