0
views

By

Bodyguards ni Trillanes, sobra na – Palasyo

Sharing is caring!

Labis sa security detail si Senador Antonio Trillanes IV kaya binawasan ito ng Philippine National Police (PNP).

Ito ang inihayag ng Malacañang kasunod ng pahayag ng senador na tinanggalan siya ng security ng gobyerno.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nakausap niya ang liderato ng PNP at dalawa lamang ang inalis na police security kay Trillanes.

Mayroon aniyang anim na security detail si Trillanes gayong ang dapat lamang ay apat.

Sinabi ni Roque, layon ng PNP na gawing ligtas ang mga komunidad sa pamamagitan ng pag-deploy ng mas maraming pulis at bawasan ang mga sobra-sobrang police security detail sa mga taong gobyerno.

“Per PNP, 2 were removed as he already had 6 when he’s only allowed 4. Let’s allow our PNP to keep our communities safe please,” ani Roque.

Pero iginiit ni Trillanes na inalis din ng Armed Forces of the Philippines ang sundalong itinalaga sa kanya at hindi ni-renew ang kanilang order.

Wala rin aniyang ibinibigay ang Senado na security personnel sa kanya. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?