30

Apr 10, 2018 @ 10:57

Bodyguard ni Mayweather binaril sa Atlanta

Nasugatan ang isa sa mga bodyguards ni Floyd Mayweather Jr. matapos pagbabarili ng hindi pa nakikilalang grupo habang patungo sa isang hotel sa Atlanta.

Ayon sa Atlanta Police Department, kasama si Mayweather sa mga sasakyang subalit hindi sa kotse kung saan tinamaan at nasugatan ang isang bodyguard nito.

Inaalam pa ng mga imbestigador kung ang bodyguard na si Gregory La Rosa o si Mayweather mismo ang target ng hindi pa nakilalang shooter.

“At this time, it appears that this was not a random shooting and the shooter was targeting the victim’s vehicle,” sabi ni Atlanta police spokesman Donald Hannah sa Atlanta Journal-Constitution.

Si La Rosa ay ginamot sa Atlanta hospital matapos tamaan ng bala sa binti at nakalabas na.

Mula sa isang club, patungo sina Mayweather sa isang hotel sa Atlanta nang pagbabarilin ang isa sa tatlong sasakyan ng American boxer.

Nasa Atlanta si Mayweather para i-promote ang Showtime-televised tripleheader sa Las Vegas sa Sabado ng gabi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?