680

Oct 10, 2017 @ 10:59

Body shamers, ‘nganga’ sa nagmumurang alindog ni Jinri Park

HINDI nagpapatalo ang Fil-Korean actress na si Jinri Park dahil nagpasabog ito ng kaseksihan sa kanyang ginagawa ngayon na sexy calendar. Pinakita ni Jinri ang alindog niya sa mga suot niyang two-piece bikini at nag-share pa siya ng BTS (behind-the-scenes) ng kanyang photoshoot ng kalendaryo.

“Behind the scenes from today’s calendar shoot with @therealjaytablante 2018 Calendar coming soon 6th calendar na! #2018jinricalendar” caption pa ni Jinri sa Instagram post niya.

Marami ang mapapanganga sa mga sexy poses ni Jinri dahil sobrang fit ang katawan nito ngayon.

Sa gitna raw ng pagiging busy niya sa taping ng My Korean Jagiya, hindi niya napapabayaan ang training niya para sa martial arts na Jiujitsu.

Inamin ni Jinri na noong nagsimula siya bilang modelo sa Pilipinas, nakaranas siya ng body-shaming. Pero hindi raw niya maiwan ang pagiging modelo dahil gusto niya ang ginagawa niyang ito kahit na marami raw pagsubok na dumating sa kanya.

“One of my first ever jobs in the industry was modeling. It’s probably considered my first legit job. My first love.

“A lot of people think modeling is an easy job, just have to look pretty and stand in front of the camera. It may seem easy but it’s hours of tiptoeing, getting bitten by mosquitoes, standing in the sun, doing awkward poses and having to stay that way for several takes, long hours with no breaks and the list goes on.

“No job in this world is ever easy. Each has its ups and downs. I’ve come to have this love-hate relationship with modeling. But this job has definitely given me more character, more opportunities and built who I am today.

“Yes some people may body shame me (too thin, too fat etc), call me names that make me uncomfortable, but I’m proud to have been a model for almost 7 years now, from being the first gravure model in the Philippines.

“I may not have a lot of years left in modeling but will enjoy the few years left in this industry,” mahabang kuwento pa ni Jinri Park.  (RUEL MENDOZA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?