14
sunog31

Bodega sa N. Ecija, nasunog

Sharing is caring!

Inabot ng limang oras bago naapula ang sunog na sumiklab sa isang bodega ng mga gamit na plastic sa San Jose City, Nueva Ecija noong Mayo 16.

Ayon sa report, alas-sais ng gabi nagsimula ang apoy sa bodega na kumalat sa mga kalapit na bahay at ikinagulat ng mga residente at namamasyal sa Central Business District ng San Jose City.

Idineklarang “under control” na ang sunog alas-nuwebe ng gabi pero hanggang alas-11:00 ng gabi ay tuloy pa rin sa pag-apula ang mga bumbero sa mga kahoy na may baga pa rin.

Samantala, inaalam pa ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng sunog kung saan electrical connection ang isa sa mga tinitingnang pinagmulan ng apoy.

Wala namang naireport na nasaktan sa nasabing insidente habang inaalam pa rin ang kabuuang halaga ng natupok.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?