3

Jul 28, 2020 @ 16:21

Bodega sa Makati nasunog

Nagliyab ang isang paint warehouse sa Barangay La Paz, Makati kaninang umaga.

Ayon sa TXTFire Philippines, isang volunteer emergency dispatch server, namataan ang usok sa P. Ocampo Street bandang 10:37 ng umaga, Martes.

Umabot ito sa ikalawang alarma noong alas-10:53 ng umaga.

Alas-11:40 ng umaga naman naapula ang sunog sa nasabing bodega.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?