19
abante sunog fire
By

Bodega ng trucking company, nasunog

Sharing is caring!

Tinupok ng apoy ang warehouse ng isang trucking company sa Novaliches, Quezon City kahapon.

Ayon kay Quezon City Fire Marshal Senior Insp. Manuel Manuel, dakong alas-otso ng umaga nang magsimula ang sunog na tumupok sa naturang bodega, na pag-aari ng isang trucking company sa West Los Angeles, Brgy. San Bartolome.

Nadamay pa sa sunog ang apat na truck at isang kotse, na nasa loob ng warehouse.

Nabatid na ang mga nasunog na truck ay ginagamit nilang pang-deliver ng mga drum na ang laman ay ethyl alcohol.

Umabot ng ikaapat na alarma ang sunog bago tuluyang naapula dakong alas-8:51 ng umaga.

Wala namang iniulat na nasugatan o nasaktan sa sunog.

Inaalam pa ng mga arson investigator kung posibleng nagmula ang sunog sa leak ng denatured alcohol at kung magkano ang halaga ng mga ari-ariang naabo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?