48

By

Bodega ng muebles sa Pasig, gumuho sa sunog

Sharing is caring!

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na sumiklab sa isang warehouse sa M. Concepcion, Barangay Buting, Pasig City pasado 9:00 Miyerkules ng gabi.

Ang warehouse ng PKKS Enterprise Inc. na naglalaman ng mga muebles sa bahay ay pag-aari ng isang Clarita Tantoco.

Dahil sa init ng apoy, bumagsak ang bubong at bumigay ang mga pader ng bodega.

Ayon sa mga trabahador sa katabing pabrika, may narinig silang 2 malakas na pagsabog sa loob ng gusali pasado 9:00 ng gabi.

Idineklara na under control ang sunog ganap na 10:56.

Base sa inisyal na report ng Pasig Fire, naka-uwi na ang mga empleyado ng bodega nang sumiklab ang sunog at inaasahan nilang walang nasaktan dito.

Inaalam pa kung ano ang sanhi ng sunog at kung magkano ang napinsalang ari-arian.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?