9

Jul 30, 2020 @ 13:13
By

Bodega ng mga laruan, tela sa Maynila magdamag nasunog

Natupok ang isang bodega ng mga laruan at tela matapos na sumiklab ang sunog dito na nagsimula Miyerkoles ng gabi at natapos Huwebes ng umaga, sa panulukan ng Narra Street at Bambang Extension sa Sta. Cruz, Maynila.

Ayon sa Manila Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog dakong alas-10:43 ng gabi na umabot sa ikatlong alarma pagsapit ng alas-11:30 ng gabi.

Idineklara itong kontrolado na dakong alas-otso ng umaga nitong Huwebes.
Bukod sa bodega, nadamay rin umanong masunog ang ilang kabahayan sa kalapit na lugar nito.

Wala namang iniulat na nasawi o sugatan sa nasabing sunog samantalang inaalam pa rin ng mga awtoridad ang halaga ng mga ari-ariang tinupok ng apoy.

Patuloy din ang imbestigasyon para malaman kung ano ang sanhi ng sunog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?