15

By

Bodega ng DOLE sa Intramuros, nasunog

Sharing is caring!

Inakyat sa unang alarma ang sunog sa bodega ng tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Intramuros, Maynila.

Ayon sa report, nagsimula ang sunog alas-10:29 ng gabi noong Biyernes pero agad naapula makalipas ang halos 20-minuto.

Nagmula umano ang sunog sa tambakan ng mga scrap na papeles at ibang mga kagamitan ng ahensiya.

Samantala, kasalukuyan pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy at mga napinsala nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?