24
politikop-BOC
Mar 4, 2018 @ 17:51
By

BOC tiba-tiba sa P43B revenue collection sa Pebrero

Nalagpasan ng Bureau of Customs (BOC) ang target collection nito para sa buwan ng Pebrero matapos itong makapagtala mg kabuuang P43.674 bilyong revenue para sa nabanggit na buwan.

Ayon kay BOC Commissioner Isidro Lapeña, mas mataas ng P1.965 billion ang nasabing kita kumpara sa target revenue na P41.709b billion.

Kung ikukumpara naman sa naitalang kita noong Pebrero ng taong 2017, mas mataas ang naitalang revenue para sa buwan ng Pebrero ngayong taon ng P12.82 billion.

Ang pagtaas ng koleksyon ay bunsod ng mas mataas na kita na naitala ng karamihan sa mga BOC port sa buong bansa kabilang na ang Manila International Container Port (MICP), Port of Manila (POM) at Batangas.

Nabatid na ang MICP ay nakapagtala ng P13.438 billion revenue, mas mataas ng 4.49 percent sa target collection; ang POM ay kumita ng P6.529 billion na mas mataas ng 4.1 percent sa target collection na P6.27 billion habang ang Port of Batangas naman ay nakapagtala ng P9.982 billion na mas mataas ng 3.4 percent kumpara sa P9.656 billion target revenue.

Sa kabuuan, sinabi ni Lapena na labing-apat na pantalan nakapagtala ng mas mataas na target revenue.

“Majority or 14 out of the 17 ports of the Bureau of Customs exceeded their collection target for the month and this is mainly because of the intensive campaign against corruption and smuggling,” saad ni Lapeña.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?