56

Oct 23, 2017 @ 15:19

BOC: Tax credit certificate issuance, magiging transparent

Tiniyak ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Isidro Lapeña na magiging transparent ang kawanihan sa pag-iisyu ng tax credit certificate (TCC) na nauna na niyang ibinunyag sa pagdinig sa Senado na pinanggagalingan umano ng “pasalubong” o cash gift sa umuupong bagong pinuno ng BOC.

Dokumento na iniisyu ng BOC at Department of Finance ang TCC para mai-refund o maisoli ang sobrang buwis na ibinayad ng malalaking kumpanya.

“For the sake of transparency, I will personally award the TCCs publicly, to inform everyone that there is no monetary consideration behind and it is being released to its rightful claimants,” giit ni Lapeña.

Tiniyak din ng commissioner na hindi na iipitin ang pagpapalabas ng TCC dahil  ang pagkaantala umano ng pag-iisyu nito ang pinagmumulan ng katiwalian.

“There will be no more withholding of tax certificates to prevent avenue for corruption and to give back what is due to the transacting stakeholders: there’s no need for undue delays,” dagdag ni Lapeña.

Matatandaang sa pagdinig sa Senado noong Oktubre 4, 2017, sinabi ni Lapeña na nakatanggap siya ng impormasyon na ilang porsiyento ng TCC ay inilalaan para sa “pasalubong” o cash gift para sa bagong commissioner ng BOC.

Sinasadya rin umano na maantala ang pag-iisyu ng TCC para mapilitan ang malalaking kumpanya na magbigay ng suhol. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?