41

Feb 13, 2018 @ 11:42
By

BOC officials na ‘di tutugon sa target collection, sisibakin

Nagbabala si Customs Commissioner Isidro Lapeña na sisibakin ang mga opisyal na hindi makakaabot sa target collection ng ahensiya ngayong buwan ng Pebrero.

Sa kanyang memorandum, kabilang sa mga pinaalalahanan ay ang mga district collector, deputy collectors for assessment, chief of Formal Entry Division, examiners, appraisers at lahat ng personnel na nangangasiwa sa assessment ng collection districts.

Gayunman, nilinaw ni Lapeña na sa Marso pa sila maaaring tanggalin o matapos ang collection period sa buwan ng Pebrero, lalo na at pag-aaralan pa ang kanilang February collection performance.

Una rito ay inanunsiyo ni Lapeña na nabigo ang bureau na makamit ang target collection sa buwan ng Enero ngayong taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?