229

Nov 1, 2017 @ 18:07

BOC magpapatupad ng bagong sistema sa Port of Manila, MICP

Simula sa susunod na linggo, magpapatupad ng bagong sistema ang Bureau of Customs (BOC) sa Port of Manila (POM) and Manila International Container Port (MICP).

Ayon kay BOC Commissioner Isidro Lapena, ito ay para masugpo ang sistema ng “tara” o lagayan dahil sa pagsasabwatan ng mga customs examiners at brokers na nangangasiwa sa shipment.

Sa ilalim ng bagong sistema, aalisin na ng BOC ang 15 section sa formal entry division (FED) sa POM at MICP at papalitan ito ng bagong queuing system.

Sa pamamagitan ng bagong sistema, maari nang mamonitor ng mga may transaksyon sa POM ang kanilang entry document sa FED gamit ang Status Verification System (SVS).

Sa ilalim ng SVS, maaring mamonitor ang valuation ng mga angkat na kargamento aa oras na maipasok ng examiner o appraiser ang data sa sistema at dito ay malalaman kung mayruong undervaluation.

Mayruon ding tracking system ang SVS kung saan maaring malaman ang estado ng entry document at ang panahon kung kailan makukumpleto ang proseso.

“Operational testing is being done for one week at the Port of Manila to check if we can use it once FED sections are removed,” ang paliwanag ni POM District Collector Atty. Ernelito Aquino.

Dagdag ni Lapena, maiiwasan ang sabwatan dahil hindi magiging “face to face” ang transaksyon sa pagitan ng customs employee at ng stakeholder.

“There will be no more “suki” system, the broker will not know the assigned examiner removing the possibility of conspiracy between both parties,” saad ni Lapena. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?