20

By

BOC employees sumailalim sa drug test, negatibo sa droga

Sharing is caring!

Negatibo sa iligal na droga ang mga empleyado ng Bureau of Customs (BOC) na sumailalim sa surprise drug test na pinangasiwaan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong March 19.

Sa Chemistry Report ng PDEA, negatibo sa presensya ng methamphetamine hydrochloride o shabu, ecstasy, cocaine, at Tetrahydrocannabinol metabolite ang specimen ng kanilang 119 empleyado.

Kaugnay nito, sinabi ni BOC Commissioner Isidro Lapeña na masusundan pa ang surprise drug test sa ahensya para matukoy kung may mga empleyado bang gumagamit ng iligal na droga.

“I believe none of my men are into illegal drugs and I hope we will continue to test negative in the upcoming surprise drug test.

Sa pamamagitan din umano ng mga surprise drug test ay mapaghuhusay ang kredibilidad ng mga opisyal at kawani ng BOC bilang mga public servant.

“This is also a way of sustaining our credibility that as public servants –we abhor the use of illegal drugs as much as the President do,” saad ni Lapeña.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?