319

Jun 24, 2019 @ 14:56
By

BOC, BIR, DPWH may pinakamaraming reklamo ng korapsyon

Tatlong ahensiya ng pamahalaan ang naitala ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na may pinakamaraming reklamo ng katiwalian.

Tinukoy ng PACC ang Bureau of Customs (BOC), Bureau of Internal Revenue (BIR) at Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sinabi ni PACC Commissioner Greco Belgica na “valedictorian” sa pinakamaraming reklamo ng katiwalian ang BOC, salutatorian ang BIR at first honorable mention ang DPWH.

Ayon kay Belgica, sumasailalim na sa imbestigasyon ang mga nabanggit na tanggapan bilang bahagi ng paglilinis sa burukrasya.

Bukod sa tatlong nabanggit na mga tanggapan, sinabi ni Belgica na nasa 50- 80 officials na sangkot sa korapsyon ang iniimbestigahan at inihahanda na ang report laban sa mga ito para maisumite kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Tumanggi namang pangalanan ng opisyal ang mga iniimbestigahan ng PACC dahil naka-pending pa ang mga kaso ng mga ito sa Ombudsman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?