11

Jul 13, 2020 @ 17:07
By

Boban ‘binastos’ si Luka

Kapag nagharap ang dalawang European NBA player, paniguradong kwela ang kalalabasan.

Sa NBA bubble sa Orlando, Florida ay game na nakipag-1 on 1 si Luka Doncic laban sa 7-footer na si Boban Marjanovic.

Una pa lang ay tila lamang na si Boban, pinostehan ang Slovenian superstar at saka dinakdakan ng harap-harapan.

Sa ikalawang tagpo naman ay tila bata na binuhat ni Marjanovic si Luka para makadakdak.

Pinakitaan din ni Boban si Luka ng kanyang dribbling skills matapos pakawalan ang off-the-dribble three habang nakabantay ang young MVP candidate.

Sina Luka at Boban ay naglalaro para sa Dallas Mavericks, na nasa seventh spot ng Western Conference.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?