53

Sep 29, 2017 @ 11:49

Board member ng Masbate, patay sa pamamaril

Patay ang isang board member ng Masbate matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Brgy. Kinamaligan, Masbate City kahapon ng 4:00 ng hapon.

Nakilala ang biktima na si Dionne Lopez alyas Jojo at board member ng Masbate 2nd District.

Ayon sa ulat ng Masbate PNP, bigla na lamang nilapitan ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo ang biktima at pinagbabaril.

Agad na binawian ng buhay si Lopez.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Masbate PNP para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin pati na ang motibo. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?