39

Oct 8, 2017 @ 11:48

Blue vs. Green: Giyera sa MOA

Mga laro ngayon (MOA Arena)
12:00 noon – NU vs. UP
4:00 p.m. – Ateneo vs. La Salle

Unbeaten sa anim na laro ang Ateneo ngayong UAAP Season 80 basketball tournament.

Ang mahigpit na karibal na La Salle, humihinga sa kanilang batok sa 5-1, nabahiran ang defending champions nang matisod sa UP.

Sa first round ng eliminations, magku-krus ang landas ng dalawa sa main game mamayang hapon sa Mall of Asia Arena.

Walang motibasyon na kailanga, basta La Salle-Ateneo lang.

“I will just give you a sentence: It’s Ateneo-La Salle,” bulalas ni big man Ben Mbala na muling sasandalan ng Green Archers. “We know what is at stake. It’s blue against green. No matter what will happen, when we step on the court, it’s war.”

Noong nakaraang season, winalis ng DLSU ang Ateneo sa best-of-three finals.

Makakatuwang ni Cameroonian Mbala sina Kib Montalbo, Abu Tratter at Andrei Caracut.

Isasagupa ng Eagles sina Nigerian Chibueze Ikeh at Vince Tolentino na ayon kay coach Sandy Arecpacochaga ay umaako sa ‘dirty work’ ng Ateneo. (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?