2,219
ABANTE dick gordon dengvaxia transparent
By

Blue Ribbon probe kay Calida, tuloy kahit nagpasaklolo sa SC

Tuloy ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa diumano’y katiwalian ni Solicitor General Jose Calida.

Sinabi ni Senador Richard Gordon, chairman ng kumite, na hindi sila paawat hanggang hindi ito pinipigilan ng Supreme Court.

“Definitely, (tuloy) hanggang walang restraining order. Kung meron out of respect, I will withhold,” pahayag ni Gordon.

Iimbestigahan ng Blue Ribbon Committee kung conflict of interest si Calida dahil nakakorner ng kontrata sa maraming ahensya ng gobyerno ang security agency ng pamilya nito.

Una rito, dumulog si Calida at pamilya nito noong Huwebes, Agosto 16, sa Kataas-taasang Hukuman para pigilan ang Senado sa balak na imbestigasyon sa kanilang security agency na Vigilant Investigative and Security Agency, Inc. (VISAI).

Ipapahiya lamang umano sila ni Senador Antonio Trillanes IV na siyang humingi ng Senate investigation kay Calida at sa VISAI.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?