19
views

By

Blue Ribbon Committee report sa Dengvaxia, hindi patas – solons

Sharing is caring!

Pinuna ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat na nakasentro lamang sa nagdaang administrasyon ang draft ng Senate Blue Ribbon Committee report sa isinagawang imbestigasyon sa Dengvaxia fiasco.

Binigyang-diin ni Baguilat na hindi lang naman noong Aquino administration ipinatupad ang Dengvaxia kundi maging sa kasalukuyang administrasyon.

“Hindi lang sa nakaraang administrasyon ipinatupad ang bakuna sa Dengvaxia kundi sa kasalukuyang administrasyon. Nakakapagtaka na nakatuon lang ang report ni Sen. Richard Gordon sa nakalipas na administrasyon,” ani Baguilat.

Para naman kay ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio, tama na panagutin sina dating pangulong Noynoy Aquino, dating Health secretary Janet Garin, at dating Budget secretary Butch Abad sa kanilang papel sa pag-apruba at pagsusulong ng dengue vaccination program.

Pero hindi aniya dapat maabsuwelto ang Duterte administration dahil itinuloy din nito ang programa sa kabila ng mas maraming impormasyon at pag-aaral tungkol sa panganib ng experimental vaccine.

Sabi ni Tinio, draft pa lamang lamang naman ang iprinisinta ni Senador Gordon na hindi pa talaga kumakatawan sa findings ng Blue Ribbon Committee.

Umaasa ang kongresista na hindi hahayaan ng Senado na may panigan ang imbestigasyon nito sa nasabing isyu.

“We hope that the Senate as a whole will not allow its investigation into this issue to be reduced to yet another one-sided and partisan exercise but will ascribe accountability to all who played a role in exposing the health and safety of hundreds of thousands of Filipinos to undue risk,” ayon kay Tinio.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?