43

Blue Eagles target ng iba pang koponan

Ang kasalukuyang kampeon na Ateneo de Manila University Blue Eagles ay ang pinakamalakas ngayon kung titingnan kung paano sila naglaro sa pre-season tournaments.

Sa FilOil Flying V preseason Cup, walang nakatalo sa Blue Eagles upang maiuwi ang kampyonato. Pagkatapos nito ay naglaro naman sila sa 2018 Jones Cup kung saan pumangapat sila laban sa mga koponan ng ibang bansa.

Magbabalik pa rin sina Thirdy Ravena, Anton Asistio, Adrian Wong, Jolo Mendoza, Matt and Mike Nieto at Raffy Verano.

Pangungunahan pa rin sila ni dating Gilas Pilipinas head coach Tab Baldwin kaya naman siguradong may target na agad ang kanilang likod sa darating na UAAP.

Una nilang makalalaban ang Adamson University Soaring Falcons sa Linggo, Setyembre 9, sa Mall of Asia Arena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?