63

Nov 4, 2017 @ 19:45

Blue Eagles 12-0 na matapos dagitin ang Tigers

Ang panalo ay naghatid sa Ateneo sa 12-0 at kailangang ipanalo ang huling dalawang laban, University of the Philippine at La Salle para mawalis ang elimination round.

Ang Tigers naman ay nalasap ang pang-13 sunod na talo at pang-17 sapul noong nagdaang season.

Pinangunahan nina Matt Nieto at Thirdy Ravena ang pagsagasa ng Eagles sa fourth quarter para sigurahin ang panalo at mapigil ang tangkang paghahabol ng Growling Tigers.

Limang puntos lang ang lamang ng Eagles sa Tigers bago ang simula ng fourth quarter.

Si Matt Nieto, 19, at Ravena, 20, lang nakakuha ng double figures sa Ateneo, habang namuno naman sa UST si Oliver de Guzman sa kanyang 19 puntos.

Ang score:

Ateneo 102 – Ravena 20, Nieto Ma 19, Mamuyac 8, Go 7, Nieto Mi 7, Tio 7, Mallillin 7, Verano 6, Asistio 6, Black 6, Ikeh 5, Tolentino 4, Porter 0, Andrade 0, White 0.

UST 83 – De Guzman 19, Sta. Ana 12, Akomo 12, Faundo 11, Basibas 11, Garcia 8, Caunan 6, Lee 4, Macasaet 0, Escalambre 0, Soriano 0, Lorenzana 0, Romero 0, Kwawukumey 0.

Quarterscores: 26-20; 49-39; 75-70; 102-83.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?