685

By

Blogger RJ Nieto swak sa cyber libel

Sharing is caring!

Nakitaan ng Pasay City Prosecutor’s Office ng sapat na basehan ang cyberlibel complaint na inihain ni Senador Antonio Trillanes IV laban sa kontrobersiyal na blogger na si RJ Nieto.

Ang reklamo ni Trillanes na inihain noong nakaraang Nobyembre 22, 2017 ay nag-ugat sa post ni Nieto sa Facebook account ng Thinking Pinoy noong nakaraang Oktubre 31, 2017 na may pamagat na “Trump calls Trillanes a drug lord”.

Ito ang kabuuang post ni Nieto:

Trump calls Trillanes a drug lord

US President Donald J. Trump reportedly called Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV a “Little Narco”, with “narco” being the colloquial for a “drug baron” or “drug lord”.

Does Trump’s government know something?

Nabanggit sa tatlong pahinang resolusyon na ang naturang post ay may 15,759 shares hanggang noong Nobyembre 21 at ito ay nagdulot ng hindi maganda sa pagkatao ng senador.

Nadiskubre na walang ganitong pahayag si Trump laban kay Trillanes.

Nabanggit din na hindi naghain ng kanyang counter-affidavit si Nieto sa preliminary investigation ng reklamo.

Inirekomenda ni Associate Prosecution Attorney Honey Rose Delgado na maaaring malitis sa kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 si Nieto.

Ang rekomendasyon ay inaprubahan nina Sr. Asst. City Prosecutor Rommen Balinbin at Senior Deputy City Prosecutor Dolores Rillera. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?