93

Sep 17, 2019 @ 15:14
By

Blockbuster na ‘Kita Kita’ ginawan ng Indonesian version

Dalawang taon matapos mahumaling ang mga moviegoer sa hit Pinoy movie na “Kita Kita” (I See You), muli itong magpapakilig sa Indonesian remake.

Bibida sa romantic comedy movie na “Cinta Itu Buta” (Love is Blind) sina Dodit Mulyanto at Shandy Aulia, na ipapalabas sa Indonesia sa October.

Imbes na sa Japan, ginawa ang Indonesian remake sa Busan, South Korea.

Ang “Kita Kita” ay highest-grossing Filipino indie film na ipinalabas noong 2017 at pinagtambalan nina Alessandrade Rossi at Empoy Marquez.

Sa kanyang Instagram naman naiyak si Kita Kita’s director Sigrid Andrea Bernardo nang mapanood ang trailer ng “Cinta Itu Buta”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?