44

Dec 5, 2019 @ 9:48
By

Blazers pinasabog nina George, Harrell

Nagsabwatan sina Montrezl Harrell at Paul George para buhatin ang Los Angeles Clippers sa 117-97 panalo laban sa Portland Trail Blazers, Martes ng gabi.

Tumabo si Harrell ng 26 points, may 25 si George. Umayuda si Kawhi Leonard ng 11 points sa pagpapatuloy ng 74th NBA 2019-2020 regular season.

May 10 beses nagbuhol ang laro sa first half bago napunta sa unahan ang Los Angeles 62-59 sa halftime.

Nag-take over sina George at Leonard sa bukana ng third, nagsalpak ng tig-isang 3s at nakaagaw pa si George na tinapos sa dunk sa 14-3 run tungo sa 76-62 lead.

Sumagot ng seven straight points ang Clippers para ilapit sa pito.

Si Harrell naman ang sumunod na rumatsada sa quarter, umiskor ng 9 sa ikinasa muling 21-7 run mula dulo ng third patawid sa fourth nang pabukahin ang lamang 96-76.

Pinantayan ni George ang kanyang season high na 6 of 7 3-pointers, ilan dito ay mataas na palobo pabagsak sa net. Overall, 17 for 34 ang Clippers sa labas ng arc – lima rito kay Patrick Patterson na tumapos ng 19 points.

Umiskor si CJ McCollum ng 20, may 18 points at 13 rebounds si Hassan Whitesede sa Blazers. May 16 pa si Damian Lillard.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?