9
views
damian-lilliard
By

Blazers, nilaglag ang Jazz sa 5th place

Sharing is caring!

Trumabaho ng 36 points at 10 assists si Damian Lillard para putulin ng Portland Trail Blazers ang four-game losing streak sa pagtumba sa Utah Jazz, 102-93.

Naiuwi rin ng Blazers ang Northwest Division title.

Dahil sa panalo sa pagtatapos ng regular-season, naihulma ng Portland ang pagiging third seed sa Western Conference at haharapin ang sixth-seeded na New Orleans Pelicans sa playoffs.

Nalaglag naman sa ika-limang puwesto ang Jazz na makakalaban naman ang No. 4 Oklahoma City Thunder.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?