134

Nov 29, 2017 @ 16:06
By

Blatche wala sa tono – Chot

Sa dalawang laro sa first window ng 2019 FIBA World Cup Asian qualifying, hindi nailabas ni Andray Blatche ang dating maangas niyang laro.

Pero tanggap ito ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes, buo pa rin ang tiwala sa nationalized center.

Mabuti na lang rumesponde ang locals at naipanalo ng Pilipinas ang dalawang laro.

Sa 77-71 win ng Filipinos kontra Japan sa Tokyo noong Nov. 24, napuwersa si Blatche sa six turnovers pero tumapos ng 13 points, 12 rebounds, five assists, three steals at three blocks.

At nitong Lunes sa Smart Araneta Coliseum, nagbaba siya ng 14 rebounds panapal sa six points, five blocks at six turnovers.

Sa 93-80 win ng Gilas kontra Chinese Taipei, 2 for 9 sa field lang si Blatche sa loob ng 28 minutes.

Limang araw lang nakipag-ensayo si Blatche sa Gilas bago sumabak sa Japan.

“Hindi naka-tono,” lahad ni Reyes. “He’s not in sync with our little counters, little things that we do.”

Ayon sa coach, nag-apologize si Blatche sa masagwang laro.

Sa February ang susunod na window ng qualifying, Australia ang isa sa makakatapat ng Gilas. Mahaba-habang panahon para mai-tono ni Blatche ang galaw.

“Hopefully, in the next window, he’s gonna be in better basketball shape,” ani Reyes hinggil sa kanyang 6-foot-11 center. (Vladi Eduarte)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?