119

Dec 20, 2019 @ 14:56

Blatche-Sotto tandem papasiklab sa Dubai

Muling irerepresenta ni Andray Blatche ang Pilipinas, hindi nga lang para sa Gilas.

Ito’y matapos sungkitin ang dating NBA journeyman ng Mighty Sports para sa kanilang stint sa 31st Dubai International Basketball Championship na gaganapin sa Enero 23 hanggang Pebrero 1 sa Shabab Al Ahli Club.

Sa nasabing koponan ay magsisilbing kuya si Blatche sa mga upcoming stars ng Philippine basketball scene tulad ng magkapatid na sina Javi at Juan Gomez de Liano, Dave Ildefonso at 7-foot-2 phenom na si Kai Sotto.

“I think a lot of Filipino bigs like June Mar (Fajardo) learned a lot by just practicing with Andray and I’m hopeful that Kai also picks up lessons that will help him in the future,” ayon kay Mighty Sports coach Charles Tiu.

Huling sumalang para sa Pilipinas si Blatche sa 2019 Fiba World Cup sa China kung saan nag-average siya ng 15.8 points, 8.4 rebounds at 3.4 assists kada laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?