27
andray-blatche
By

Blatche sabak na sa Gilas practice

Buo na ang pwersa ng Gilas Pilipinas para sa 2019 FIBA World Cup na magsisimula sa August 31 sa China dahil sa pagbabalik bansa ni 6-foot-11 naturalized player Andray Blatche Sabado ng umaga.

Nakatakdang harapin ng koponan sa Pool D ang Serbia, Italy at Angola. Sinalubong nila Gilas Pilipias head coach Yeng Guiao, team manager Gabby Cui at Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) special assistant Ryan Gregorio si Blatche.

Dapat sana’y mas maaga pa ang dating ng former NBA pro ngunit naantala ito ng kaunti dahil sa isang child custody hearing na kailangan nitong daluhan sa Amerika.

Nakatakdang sumama sa Gilas practice ang big man sa Lunes, July 15 sa Meralco Gym Pasig.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?